BALAGTASAN: Stay Single or Enter Marriage?
- Jobelle F.
- May 6, 2020
- 3 min read
Balagtasan is a form of poetic debate using poetic verse in the Philippines. On the actual performance, Balagtasan consists of three speakers: a narrator, a male, and a woman. The three interact with each other in the form of a 'debate.' Each speaker takes turns reciting lines in poetic rhyme in which the next speaker will respond to.
I, together with my friends, made a balagtasan performed during the wedding of our friend. This balagtasan consists of the lakambini (narrator) and two woman representing the single side and the married side. Here it goes:
LAKAMBINI:
Sa huling araw na ito’ng ating kinabubuhayan
Isang napapanahong paksa’ng sa inyo’y inilaan
‘Dapat bang mag-asawa o manatiling single lang?’
Tanong itong sasagutin at bibigyang katuwiran
Ng mga makatang naririto na naggagandahan
MARRIED:
Single ba o mag-asawa, alin ang pipiliin?
Ang tanong na iyan di naman mahirap sagutin
Ang pag-aasawa talaga ang para sa akin
Maghahain ako ng dahilang di kayang kuwestiyunin
Ano nga ba ang kay JEHOVA’ng unang layunin?
Hindi ba’t magpalaanakin at ang lupa’y punuin?
Pero pano mapupuno kung sa buhay walang kapiling?
Kaya ang pag-aasawa ang susi para maisakatuparan Kaniyang layunin
Bilang ating Diyos, gusto niyang maging masaya tayo
Kaya’t pag-aasawa, Kaniyang iniregalo
Dahil dulot nito’y tunay na kaligayahan
Maituturing ito'ng kaibig-ibig na kalagayan.
SINGLE:
Kung tunay na kaligayahan ang ating pag-uusapan
Sermon sa bundok ni Jesus ating kababasahan
Mga paraan upang maging maligaya ang sinuman
Ngunit pag-aasawa ay hindi kasama diyan
Bilang pinakamarunong na taong nabuhay kailanman
Ang Panginoong Jesu-Kristo ang ating huwaran
Nanatili siyang walang asawa hanggang kamatayan
Ngunit pagiging di-kumpleto ay hindi niya naramdaman
Maging si apostol Pablo ay nagpapayo rin
Nananatiling walang asawa ay mas napapabuti
Pagkat magiging malaya sa mga alalahanin
Mas nakapagpopokus sa espirituwal na tunguhin
MARRIED:
Ang sabi sa Eclesiastes, minamahal kong kapatid
Panali na tatlong-ikid, di madaling mapatid
Kaya't maraming Kristiyano ang may masayang pag-aasawa
Dahil pangunahin sa kanila ang Diyos na Jehova
Habang ikinakapit ang mga payo sa Bibliya
Nalulutas nila ang maraming problema
Ang mga di masolusyunan, nababata nila
At higit na tumitibay kanilang pagsasama
SINGLE:
Ang may asawa'y dumaranas ng kapighatian sa laman
Siya'y nababalisa sa mga bagay ng sanlibutan
Upang kaniyang asawa'y mapalugdan at mapaglaanan
Ng pagkain, pananamit at iba pang pangangailangan
Ang may asawa din ay nababahagi ang atensiyon
Pagkat asawa'y kailangang paglaanan ng panahon
Dal'wang tao pa ang kinokonsidera sa pagdedesisyon
Kaya't marami talagang limitasyon at mga hamon
MARRIED:
Bakit negatibo ang namumutawi sa iyo?
Di ba't may hamon din sa walang asawa, kapatid ko?
Paano kung hindi Saksi ang manligaw sa iyo?
Baka ika'y matukso at madaya ang puso mo.
Mahirap ang walang kapartner sa paglilingkod
Sa pagkadama ng kalungkutan, di ka ba napapagod?
Kaya't maibigin ako sayong nagpapayo
Piliin mong mag-asawa sa panahong ito
SINGLE:
O kapatid ko, maligaya ang mga walang asawa
Kapag inuuna natin Kaharian ni Jehova
Pagkat makapaglilingkod tayo nang walang abala
At matututo tayong umasa nang higit sa ating Ama
Panahon ito upang palawakin ang ministeryo
Na siyang nagbubukas sa maraming pribilehiyo
Kaya't ako'y maibiging nagpapayo kapatid ko
Pagiging walang asawa ay samantalahin mo
LAKAMBINI:
Pagtatanggol ng bawat panig ay aking pinapahalagahan
Salamat sa pagbabahagi ng inyong nalalaman
Pinupunto ng bawat isa, aking nakita
Kaya naman ito ang masasabi ko sa inyong dalawa
Bawat isa sa atin ay may sariling pagpapasiya
Mananatiling single o mag-aasawa
Kapuwa kaloob ito mula sa Diyos na Jehova
Panahong pwedeng susi sa pagiging maligaya
Maaaring matagpuan ang tunay na kaligayahan
Hindi sa paggiging may kasama o solo lang
Nakadepende ito sa ating matibay na kaugnayan
Sa Diyos na Jehova na ating maibiging Ama at Kaibigan.
Many on the audience, including the newly weds, gave their appreciation on this balagtasan. As the Lakambini said, it's really up for us to decide whether to stay single or enter marriage. We can be happy on either of these situations. We just have to make sure of the more important things - our close relationship with our loving God, Jehovah.
Hope you find this interesting too. You may want to use this on your next wedding performance. If you decide to do so, we will be happy to give you permission. We're just one email away.



Comments